Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Luqmān — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Luqmān • Talata 12 sa 34 • Tagalog


وَلَقَدْ آتَيْنَا لُقْمَانَ الْحِكْمَةَ أَنِ اشْكُرْ لِلَّهِ ۚ وَمَنْ يَشْكُرْ فَإِنَّمَا يَشْكُرُ لِنَفْسِهِ ۖ وَمَنْ كَفَرَ فَإِنَّ اللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٌ 12
Pagsasalin:
Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng karunungan, na [nagsasabi]: “Magpasalamat ka kay Allāh.” Ang sinumang nagpapasalamat ay nagpapasalamat lamang para sa [pakinabang ng] sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri. Luqmān 31:12
Tafsīr:
Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng pagkaunawa sa relihiyon at pagkatama sa mga usapin. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka, O Luqmān, sa Panginoon mo sa anumang ibiniyaya Niya sa iyo na pagtutuon para sa pagtalima sa Kanya." Ang sinumang nagpapasalamat sa Panginoon niya, ang pakinabang sa pasasalamat niya ay bumabalik lamang sa sarili niya sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pasasalamat niya. Ang sinumang nagkaila sa biyaya ni Allāh sa kanya saka tumangging sumampalataya kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – tanging ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya ay sa kanya at hindi ito nakapipinsala kay Allāh ng anuman sapagkat Siya ay walang-pangangailangan sa nilikha Niya sa kalahatan, na pinapupurihan sa bawat kalagayan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Luqmān • Talata 11 Susunod Luqmān • Talata 13