Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Luqmān — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Luqmān • Talata 13 sa 34 • Tagalog


وَإِذْ قَالَ لُقْمَانُ لِابْنِهِ وَهُوَ يَعِظُهُ يَا بُنَيَّ لَا تُشْرِكْ بِاللَّهِ ۖ إِنَّ الشِّرْكَ لَظُلْمٌ عَظِيمٌ 13
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nangangaral dito: “O anak ko, huwag kang magtambal kay Allāh; tunay na ang pagtatambal [kay Allāh] ay talagang isang kawalang-katarungang [kasalanang] sukdulan.” Luqmān 31:13
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nagpapaibig dito sa kabutihan at nagpapaingat dito laban sa kasamaan: "O anak ko, huwag kang sumamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya; tunay na ang pagsamba sa isang sinasamba kasama kay Allāh ay isang paglabag sa katarungan, na sukdulan para sa kaluluwa dahil sa paggawa ng pinakasukdulang pagkakasala na nagpapahantong sa pananatili nito sa Apoy."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Luqmān • Talata 12 Susunod Luqmān • Talata 14