Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Luqmān — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Luqmān • Talata 14 sa 34 • Tagalog


وَوَصَّيْنَا الْإِنْسَانَ بِوَالِدَيْهِ حَمَلَتْهُ أُمُّهُ وَهْنًا عَلَىٰ وَهْنٍ وَفِصَالُهُ فِي عَامَيْنِ أَنِ اشْكُرْ لِي وَلِوَالِدَيْكَ إِلَيَّ الْمَصِيرُ 14
Pagsasalin:
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya [na maging mabuti] – nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa isang panlalata sa ibabaw isang panlalata at ang pag-awat sa kanya ay sa dalawang taon – na [nagsasabi]: “Magpasalamat ka sa Akin at sa mga magulang mo. Tungo sa Akin ang kahahantungan. Luqmān 31:14
Tafsīr:
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa pagtalima sa mga magulang niya at pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa anumang walang pagsuway roon kay Allāh. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa tiyan nito habang dumaranas ng isang hirap matapos ng isang hirap. Ang pagpapatigil sa kanya sa pagpapasuso ay sa dalawang taon. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa iyo na mga biyaya, pagkatapos sa mga magulang mo sa isinagawa nilang dalawa ng pag-aalaga sa iyo at pangangalaga sa iyo. Tungo sa Akin lamang ang babalikan para gumanti Ako sa bawat isa ng anumang nagiging karapat-dapat dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Luqmān • Talata 13 Susunod Luqmān • Talata 15