Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng karunungan, na [nagsasabi]: “Magpasalamat ka kay Allāh.” Ang sinumang nagpapasalamat ay nagpapasalamat lamang para sa [pakinabang ng] sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri. (12)
Tafsīr
Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng pagkaunawa sa relihiyon at pagkatama sa mga usapin. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka, O Luqmān, sa Panginoon mo sa anumang ibiniyaya Niya sa iyo na pagtutuon para sa pagtalima sa Kanya." Ang sinumang nagpapasalamat sa Panginoon niya, ang pakinabang sa pasasalamat niya ay bumabalik lamang sa sarili niya sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pasasalamat niya. Ang sinumang nagkaila sa biyaya ni Allāh sa kanya saka tumangging sumampalataya kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – tanging ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya ay sa kanya at hindi ito nakapipinsala kay Allāh ng anuman sapagkat Siya ay walang-pangangailangan sa nilikha Niya sa kalahatan, na pinapupurihan sa bawat kalagayan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: