Surah Luqmān (Luqman — لقمان) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




31 Luqmān(لقمان), Talata 23

وَمَنْ كَفَرَ فَلَا يَحْزُنْكَ كُفْرُهُ ۚ إِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ فَنُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ 23 ٢٣

Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo ang kawalang-pananampalataya niya. Tungo sa Amin ang babalikan nila saka magbabalita Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila. Tunay na si Allāh ay Maalam sa laman ng mga dibdib. (23)

Tafsīr
Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang kawalang-pananampalataya niya. Tungo sa Amin lamang ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila na mga masagwang gawa sa Mundo at gaganti Kami sa kanila sa mga ito. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa anumang nasa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba