Surah Luqmān (Luqman — لقمان) (Talata 29)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




31 Luqmān(لقمان), Talata 29

أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِي إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى وَأَنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ 29 ٢٩

Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpapalagos ng gabi sa maghapon, nagpapalagos ng maghapon sa gabi, at nagpasilbi ng araw at buwan, na bawat isa ay tumatakbo tungo sa isang taning na tinukoy; at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid? (29)

Tafsīr
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay bumabawas mula sa gabi upang magdagdag sa maghapon, bumabawas mula sa maghapon upang magdagdag sa gabi, at nagtakda sa daanan ng araw at buwan yayamang umiinog ang bawat isa sa nililibutan nito tungo sa isang yugtong tinakdaan; at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo at gaganti sa inyo sa mga iyon?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba