Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Luqmān — Talata 29 (Tagalog) — Bidyo

Luqmān • Talata 29 sa 34 • Tagalog


أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ كُلٌّ يَجْرِي إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى وَأَنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ 29
Pagsasalin:
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay nagpapalagos ng gabi sa maghapon, nagpapalagos ng maghapon sa gabi, at nagpasilbi ng araw at buwan, na bawat isa ay tumatakbo tungo sa isang taning na tinukoy; at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid? Luqmān 31:29
Tafsīr:
Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay bumabawas mula sa gabi upang magdagdag sa maghapon, bumabawas mula sa maghapon upang magdagdag sa gabi, at nagtakda sa daanan ng araw at buwan yayamang umiinog ang bawat isa sa nililibutan nito tungo sa isang yugtong tinakdaan; at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo at gaganti sa inyo sa mga iyon?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Luqmān • Talata 28 Susunod Luqmān • Talata 30