Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Luqmān — Talata 30 (Tagalog) — Bidyo

Luqmān • Talata 30 sa 34 • Tagalog


ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ الْبَاطِلُ وَأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْعَلِيُّ الْكَبِيرُ 30
Pagsasalin:
Iyon ay dahil si Allāh ay ang Totoo, at na ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at na si Allāh ay ang Mataas, ang Malaki. Luqmān 31:30
Tafsīr:
Ang pangangasiwa at ang pagtatakdang iyon ay sumasaksi na si Allāh lamang ay ang totoo sapagkat Siya ay totoo sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya; na ang sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanang walang batayan; at na si Allāh ay ang Mataas sa sarili Niya, paglupig Niya, at pagtatakda Niya sa lahat ng mga nilikha Niya, na walang higit na mataas kaysa sa Kanya, ang siyang higit na Malaki sa bawat bagay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Luqmān • Talata 29 Susunod Luqmān • Talata 31