Surah Luqmān (Luqman — لقمان) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




31 Luqmān(لقمان), Talata 34

إِنَّ اللَّهَ عِنْدَهُ عِلْمُ السَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ الْغَيْثَ وَيَعْلَمُ مَا فِي الْأَرْحَامِ ۖ وَمَا تَدْرِي نَفْسٌ مَاذَا تَكْسِبُ غَدًا ۖ وَمَا تَدْرِي نَفْسٌ بِأَيِّ أَرْضٍ تَمُوتُ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرٌ 34 ٣٤

Tunay na si Allāh ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid. (34)

Tafsīr
Tunay na si Allāh ay nasa Kanya lamang ang kaalaman sa Huling Sandali sapagkat nakaaalam Siya kung kailan iyon magaganap. Nagbababa Siya ng ulan kapag Niya niloob at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan kung lalaki ba ito o babae, kung malumbay o maligaya? Hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan na kabutihan o kasamaan at hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay, bagkus si Allāh ay ang nakaaalam niyon sa kabuuan niyon. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba