Surah Luqmān (Luqman — لقمان) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




31 Luqmān(لقمان), Talata 7

وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ آيَاتُنَا وَلَّىٰ مُسْتَكْبِرًا كَأَنْ لَمْ يَسْمَعْهَا كَأَنَّ فِي أُذُنَيْهِ وَقْرًا ۖ فَبَشِّرْهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ 7 ٧

Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān] ay tumatalikod siya na nagmamalaki na para bang hindi siya nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi. Kaya magbalita ka sa kanya hinggil sa isang pagdurusang masakit. (7)

Tafsīr
Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin ay tumatalikod siya na nagmamalaki palayo sa pakikinig sa mga ito, na para bang siya ay hindi nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi sa pagdinig sa mga tinig. Kaya magbalita ka sa kanya, O Sugo, hinggil sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba