Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagbigay Kami sa bawat kaluluwa ng patnubay niya, subalit nagindapat ang pag-atas mula sa Akin: “Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang lahat-lahat. (13)
Tafsīr
Kung sakaling niloob Namin ang pagbibigay sa bawat kaluluwa ng gabay niya at pagtutuon sa kanya ay talaga sanang nagdala Kami sa kanya rito, subalit kinailangan ang hatol mula sa Akin ayon sa karunungan at katarungan: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon ng mga kampon ng kawalang-pananampalataya kabilang sa dalawang pangunahing nilikha na mga jinn at mga tao dahil sa pagpili nila sa daan ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw higit sa daan ng pananampalataya at pagkatuwid."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: