Surah As-Sajdah (Ang Pagpapatirapa — السجدة) (Talata 20)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




32 As-Sajdah(السجدة), Talata 20

وَأَمَّا الَّذِينَ فَسَقُوا فَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۖ كُلَّمَا أَرَادُوا أَنْ يَخْرُجُوا مِنْهَا أُعِيدُوا فِيهَا وَقِيلَ لَهُمْ ذُوقُوا عَذَابَ النَّارِ الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تُكَذِّبُونَ 20 ٢٠

Hinggil naman sa mga nagpakasuwail, ang kanlungan nila ay ang Apoy. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon, pinanunumbalik sila roon at sinasabi sa kanila: “Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayo ay nagpapasinungaling dito.” (20)

Tafsīr
Tungkol naman sa mga lumabas mula sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway, ang titigilan nila na inihanda para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay ang Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon, pinanunumbalik sila roon at sinasabi sa kanila bilang panunumbat para sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayong nagpapasinungaling dito sa Mundo nang ang mga sugo ninyo noon ay nagpapangamba sa inyo laban dito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba