Surah As-Sajdah (Ang Pagpapatirapa — السجدة) (Talata 27)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




32 As-Sajdah(السجدة), Talata 27

أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا نَسُوقُ الْمَاءَ إِلَى الْأَرْضِ الْجُرُزِ فَنُخْرِجُ بِهِ زَرْعًا تَأْكُلُ مِنْهُ أَنْعَامُهُمْ وَأَنْفُسُهُمْ ۖ أَفَلَا يُبْصِرُونَ 27 ٢٧

Hindi ba sila nakakita na Kami ay umaakay sa tubig patungo sa lupang tigang saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan niyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga hayupan nila at ang mga sarili nila? Kaya hindi ba sila tumitingin [doon]? (27)

Tafsīr
Hindi ba nakakikita ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na Kami ay nagsusugo sa tubig ulan patungo sa lupang tuyot na walang halaman dito saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga kamelyo nila, ang mga baka nila, at ang mga tupa nila, at kumakain sila mismo mula roon? Kaya hindi ba sila tumitingin doon at nakatatalos na ang sinumang nagpatubo sa lupang tuyot ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba