Landscape MP4 Vertical MP4

Surah As-Sajdah — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

As-Sajdah • Talata 27 sa 30 • Tagalog


أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا نَسُوقُ الْمَاءَ إِلَى الْأَرْضِ الْجُرُزِ فَنُخْرِجُ بِهِ زَرْعًا تَأْكُلُ مِنْهُ أَنْعَامُهُمْ وَأَنْفُسُهُمْ ۖ أَفَلَا يُبْصِرُونَ 27
Pagsasalin:
Hindi ba sila nakakita na Kami ay umaakay sa tubig patungo sa lupang tigang saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan niyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga hayupan nila at ang mga sarili nila? Kaya hindi ba sila tumitingin [doon]? As-Sajdah 32:27
Tafsīr:
Hindi ba nakakikita ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na Kami ay nagsusugo sa tubig ulan patungo sa lupang tuyot na walang halaman dito saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga kamelyo nila, ang mga baka nila, at ang mga tupa nila, at kumakain sila mismo mula roon? Kaya hindi ba sila tumitingin doon at nakatatalos na ang sinumang nagpatubo sa lupang tuyot ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna As-Sajdah • Talata 26 Susunod As-Sajdah • Talata 28