Surah As-Sajdah (Ang Pagpapatirapa — السجدة) (Talata 9)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




32 As-Sajdah(السجدة), Talata 9

ثُمَّ سَوَّاهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِنْ رُوحِهِ ۖ وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۚ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ 9 ٩

Pagkatapos humubog Siya rito at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya. Gumawa Siya para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo! (9)

Tafsīr
Pagkatapos lumubos Siya sa paglikha ng tao sa pagkakahubog at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya sa pamamagitan ng pag-uutos sa anghel na nakatalaga sa pag-ihip ng espiritu. Gumawa Siya para sa inyo, O mga tao, ng mga pandinig upang ipandinig ninyo, mga paningin upang ipantingin ninyo, at mga puso upang ipang-unawa ninyo. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo kay Allāh sa mga biyayang ito na ibiniyaya Niya sa inyo!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba