Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 13)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong may nagsabing isang pangkatin kabilang sa kanila: “O mga mamamayan ng Yathrib, walang mapananatilihan [dito] para sa inyo kaya bumalik kayo.” May nagpapaalam na isang pangkat kabilang sa kanila sa Propeta, na nagsasabi: “Tunay na ang mga bahay namin ay nakabuyayang,” samantalang ang mga iyon ay hindi nakabuyayang. Walang silang ninanais kundi isang pagtakas. (13)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang may isang pangkat kabilang sa mga mapagpaimbabaw na nagsabi sa mga mamamayan sa Madīnah: "O mga mamamayan ng Yathrib (ang pangalan ng Madīnah bago ng Islām), walang pananatili para sa inyo sa tabi ng paanan ng burol ng Sal` malapit sa bambang kaya bumalik kayo sa mga tirahan ninyo." May humihiling na isang pangkatin kabilang sa kanila ng pahintulot mula sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na lumisan sila patungo sa mga bahay nila sa pagdadahilang ang mga bahay nila ay nakalantad sa kaaway samantalang ang mga iyon ay hindi nakalantad gaya ng pinagsasabi nila. Ninanais lamang nila sa pagdadahilang sinungaling na ito ang tumakas mula sa kaaway.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: