Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 17)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 17

قُلْ مَنْ ذَا الَّذِي يَعْصِمُكُمْ مِنَ اللَّهِ إِنْ أَرَادَ بِكُمْ سُوءًا أَوْ أَرَادَ بِكُمْ رَحْمَةً ۚ وَلَا يَجِدُونَ لَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا 17 ١٧

Sabihin mo: “Sino itong magsasanggalang sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng isang kasagwaan o nagnais Siya sa inyo ng isang awa?” Hindi sila makatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya. (17)

Tafsīr
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino itong magtatanggol sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng kinasusuklaman ninyo na kamatayan o pagkapatay, o nagnais Siya sa inyo ng inaasahan ninyo na pagkaligtas at kabutihan? Walang isang magtatanggol sa inyo laban doon." Hindi makatatagpo ang mga mapagpaimbabaw na ito para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang tagatangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila ni ng isang mapag-adya na magtatanggol sa kanila laban sa parusa ni Allāh para sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba