Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 17 sa 73 • Tagalog


قُلْ مَنْ ذَا الَّذِي يَعْصِمُكُمْ مِنَ اللَّهِ إِنْ أَرَادَ بِكُمْ سُوءًا أَوْ أَرَادَ بِكُمْ رَحْمَةً ۚ وَلَا يَجِدُونَ لَهُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا 17
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Sino itong magsasanggalang sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng isang kasagwaan o nagnais Siya sa inyo ng isang awa?” Hindi sila makatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya. Al-Aḥzāb 33:17
Tafsīr:
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino itong magtatanggol sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng kinasusuklaman ninyo na kamatayan o pagkapatay, o nagnais Siya sa inyo ng inaasahan ninyo na pagkaligtas at kabutihan? Walang isang magtatanggol sa inyo laban doon." Hindi makatatagpo ang mga mapagpaimbabaw na ito para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang tagatangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila ni ng isang mapag-adya na magtatanggol sa kanila laban sa parusa ni Allāh para sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 16 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 18