Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 18 sa 73 • Tagalog


قَدْ يَعْلَمُ اللَّهُ الْمُعَوِّقِينَ مِنْكُمْ وَالْقَائِلِينَ لِإِخْوَانِهِمْ هَلُمَّ إِلَيْنَا ۖ وَلَا يَأْتُونَ الْبَأْسَ إِلَّا قَلِيلًا 18
Pagsasalin:
Nakaaalam nga si Allāh sa mga tagabalakid [sa pakikipaglaban sa landas ni Allāh] kabilang sa inyo at mga tagasabi sa mga kapatid nila: “Pumarito kayo sa amin,” samantalang hindi sila pumupunta sa labanan kundi nang kaunti, Al-Aḥzāb 33:18
Tafsīr:
Nakaaalam si Allāh sa mga tagapagpatamlay kabilang sa inyo sa iba pa sa inyo sa pakikipaglaban kasama sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at mga tagasabi sa mga kapatid nila: "Halikayo sa amin at huwag tayong makipaglaban kasama sa kanya upang hindi kayo mapatay sapagkat tunay na kami ay nangangamba para sa inyo ng pagkapatay." Ang mga tagapagpahina ng loob na ito ay hindi pumupunta sa digmaan at hindi nakikilahok doon malibang madalang upang magtulak sila palayo sa mga sarili nila ng kahihiyan hindi upang mag-adya sila kay Allāh at sa Sugo Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 17 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 19