Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 18)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nakaaalam nga si Allāh sa mga tagabalakid [sa pakikipaglaban sa landas ni Allāh] kabilang sa inyo at mga tagasabi sa mga kapatid nila: “Pumarito kayo sa amin,” samantalang hindi sila pumupunta sa labanan kundi nang kaunti, (18)
Tafsīr
Nakaaalam si Allāh sa mga tagapagpatamlay kabilang sa inyo sa iba pa sa inyo sa pakikipaglaban kasama sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at mga tagasabi sa mga kapatid nila: "Halikayo sa amin at huwag tayong makipaglaban kasama sa kanya upang hindi kayo mapatay sapagkat tunay na kami ay nangangamba para sa inyo ng pagkapatay." Ang mga tagapagpahina ng loob na ito ay hindi pumupunta sa digmaan at hindi nakikilahok doon malibang madalang upang magtulak sila palayo sa mga sarili nila ng kahihiyan hindi upang mag-adya sila kay Allāh at sa Sugo Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: