Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 1)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O Propeta [Muḥammad], mangilag kang magkasala kay Allāh at huwag kang tumalima sa [ninanasa ng] mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong. (1)
Tafsīr
O Propeta, magpakatatag ka at ang sinumang kasama sa iyo sa pangingilag sa pagkakasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Mangamba ka sa Kanya lamang. Huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw sa pinipithaya ng mga sarili nila. Tunay na si Allāh ay laging Maalam sa anumang ipinapakana ng mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: