Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 28

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِأَزْوَاجِكَ إِنْ كُنْتُنَّ تُرِدْنَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا وَزِينَتَهَا فَتَعَالَيْنَ أُمَتِّعْكُنَّ وَأُسَرِّحْكُنَّ سَرَاحًا جَمِيلًا 28 ٢٨

O Propeta [Muḥammad], sabihin mo sa mga maybahay mo: “Kung kayo ay nagnanais ng buhay na pangmundo at ng gayak nito, halikayo, magpapatamasa ako sa inyo at magpapalaya ako sa inyo nang pagpapalayang marilag. (28)

Tafsīr
O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo kapag humiling sila sa iyo ng pagpapaluwag sa panggugol gayong hindi ka nagkaroon ng maipaluluwag sa kanila: "Kung kayo ay nagnanais ng buhay Mundo at ng anumang narito na gayak, halikayo sa akin, magpapatamasa ako sa inyo ng ipinatatamasa sa mga diborsiyada at magdidiborsiyo ako sa inyo nang isang diborsiyong walang pamiminsala at walang pananakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba