Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 32)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga maybahay ng Propeta, hindi kayo gaya ng isa sa mga babae. Kung nangilag kayong magkasala ay huwag kayong magmalamyos sa pagsabi para magmithi ang sa puso niya ay may karamdaman at magsabi kayo ng isang pananalitang nakabubuti. (32)
Tafsīr
O mga maybahay ni Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – hindi kayo tulad ng nalalabi sa mga babae sa kalamangan at karangalan, bagkus kayo, sa kalamangan at karangalan, ay nasa antas na hindi mararating ng iba pa sa inyo. Kung sumunod kayo sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiwas kayo sa mga sinasaway Niya ay huwag kayong magmalambot sa pagsasalita at huwag kayong magpakabanayad sa tinig kapag nakipag-usap kayo sa mga di-kaanu-ano na mga lalaki sapagkat baka magmithi dahilan doon ang sinumang sa puso niya ay may karamdaman ng pagpapaimbabaw at pagnanasa sa ipinagbabawal. Magsabi kayo ng isang pananalitang malayo sa pag-aalinlanganan sa pamamagitan ng pagiging seryosong hindi nagbibiro sa abot ng pangangailangan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: