O mga maybahay ng Propeta, hindi kayo gaya ng isa sa mga babae. Kung nangilag kayong magkasala ay huwag kayong magmalamyos sa pagsabi para magmithi ang sa puso niya ay may karamdaman at magsabi kayo ng isang pananalitang nakabubuti. Al-Aḥzāb 33:32 ⧉
Tafsīr:
O mga maybahay ni Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – hindi kayo tulad ng nalalabi sa mga babae sa kalamangan at karangalan, bagkus kayo, sa kalamangan at karangalan, ay nasa antas na hindi mararating ng iba pa sa inyo. Kung sumunod kayo sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiwas kayo sa mga sinasaway Niya ay huwag kayong magmalambot sa pagsasalita at huwag kayong magpakabanayad sa tinig kapag nakipag-usap kayo sa mga di-kaanu-ano na mga lalaki sapagkat baka magmithi dahilan doon ang sinumang sa puso niya ay may karamdaman ng pagpapaimbabaw at pagnanasa sa ipinagbabawal. Magsabi kayo ng isang pananalitang malayo sa pag-aalinlanganan sa pamamagitan ng pagiging seryosong hindi nagbibiro sa abot ng pangangailangan.