Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 31 sa 73 • Tagalog


وَمَنْ يَقْنُتْ مِنْكُنَّ لِلَّهِ وَرَسُولِهِ وَتَعْمَلْ صَالِحًا نُؤْتِهَا أَجْرَهَا مَرَّتَيْنِ وَأَعْتَدْنَا لَهَا رِزْقًا كَرِيمًا 31
Pagsasalin:
Ang sinumang magmamasunurin kabilang sa inyo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] at gagawa ng maayos ay magbibigay sa kanya ng pabuya niya nang dalawang ulit. Naglaan Kami para sa kanya ng isang panustos na masagana [sa Paraiso]. Al-Aḥzāb 33:31
Tafsīr:
Ang sinumang mamamalagi sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa inyo at gagawa ng gawang maayos na kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay magbibigay sa kanya ng gantimpala na doble sa iba pa sa kanya sa lahat ng mga babae. Naghanda Kami para sa kanya sa Kabilang-buhay ng isang pabuyang masagana, ang Paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 30 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 32