Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 30 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 30 sa 73 • Tagalog


يَا نِسَاءَ النَّبِيِّ مَنْ يَأْتِ مِنْكُنَّ بِفَاحِشَةٍ مُبَيِّنَةٍ يُضَاعَفْ لَهَا الْعَذَابُ ضِعْفَيْنِ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرًا 30
Pagsasalin:
O mga maybahay ng Propeta, ang sinumang gagawa kabilang sa inyo ng isang mahalay na mapaglilinaw ay pag-iibayuhin para sa kanya [sa Kabilang-buhay] ang pagdurusa nang dalawang ibayo. Laging iyon kay Allāh ay madali. Al-Aḥzāb 33:30
Tafsīr:
O mga maybahay ng Propeta, ang sinumang gagawa kabilang sa inyo ng isang pagsuway na lantad ay pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon nang dalawang ulit dahil sa kalagayan niya at antas niya at dahil sa pangangalaga sa dangal ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Laging ang pag-iibayong iyon kay Allāh ay madali.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 29 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 31