Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 38)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi nangyaring sa Propeta ay may anumang kaasiwaan sa anumang isinatungkulin ni Allāh para sa kanya. Bilang kalakaran ni Allāh sa mga nakalipas bago pa niyan. Laging ang kautusan ni Allāh ay isang pagtatakdang itinakda. (38)
Tafsīr
Hindi nangyaring kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay may anumang kasalanan o panggigipit kaugnay sa ipinahintulot ni Allāh na pagpapakasal sa [dating] maybahay ng anak niya sa pag-aampon. Siya, kaugnay roon, ay sumusunod sa kalakaran ng mga propeta bago pa niya sapagkat siya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi kauna-unahan sa mga sugo kaugnay roon. Laging ang itinatadhana ni Allāh – na pagsasagawa ng kasal na ito at pagpapawalang-saysay sa pag-aampon samantalang ang Propeta ay hindi nagkaroon dito ng opinyon o mapagpipilian – ay isang pagtatadhanang matutupad, na walang makahahadlang dito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: