Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 39)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Itong mga propeta ay] ang mga nagpapaabot ng mga pasugo ni Allāh at natatakot sa Kanya at hindi natatakot sa isa man maliban kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Mapagtuos. (39)
Tafsīr
Itong mga propeta ay ang nagpaabot ng mga pasugo ni Allāh na pinababa sa kanila sa mga kalipunan nila. Hindi sila nangangamba sa isa man maliban kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – kaya hindi sila pumapansin sa sinasabi ng iba pa sa kanila kapag ginagawa nila ang ipinahintulot ni Allāh para sa kanila. Nakasapat si Allāh bilang tagaingat sa mga gawain ng mga lingkod Niya upang tumuos sa kanila sa mga ito at gumanti sa kanila sa mga ito, na kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [din ang ganti].
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: