Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 48)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag kang tumalima sa [ipinaaanyaya ng] mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, magwaksi ka ng pananakit sa kanila, at manalig ka kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan. (48)
Tafsīr
Huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw sa ipinaaanyaya nila na pagbalakid sa relihiyon ni Allāh. Umayaw ka sa kanila sapagkat harinawang iyon ay maging higit na mag-anyaya na sumampalataya sila sa inihatid mo sa kanila. Sumandig ka kay Allāh sa lahat ng mga nauukol sa iyo. Kabilang sa mga ito ang pag-aadya laban sa mga kaaway mo. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan na sinasandigan ng mga tao sa lahat ng mga nauukol sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: