Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 48 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 48 sa 73 • Tagalog


وَلَا تُطِعِ الْكَافِرِينَ وَالْمُنَافِقِينَ وَدَعْ أَذَاهُمْ وَتَوَكَّلْ عَلَى اللَّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ وَكِيلًا 48
Pagsasalin:
Huwag kang tumalima sa [ipinaaanyaya ng] mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, magwaksi ka ng pananakit sa kanila, at manalig ka kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan. Al-Aḥzāb 33:48
Tafsīr:
Huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw sa ipinaaanyaya nila na pagbalakid sa relihiyon ni Allāh. Umayaw ka sa kanila sapagkat harinawang iyon ay maging higit na mag-anyaya na sumampalataya sila sa inihatid mo sa kanila. Sumandig ka kay Allāh sa lahat ng mga nauukol sa iyo. Kabilang sa mga ito ang pag-aadya laban sa mga kaaway mo. Nakasapat si Allāh bilang Pinananaligan na sinasandigan ng mga tao sa lahat ng mga nauukol sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 47 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 49