Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 47 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 47 sa 73 • Tagalog


وَبَشِّرِ الْمُؤْمِنِينَ بِأَنَّ لَهُمْ مِنَ اللَّهِ فَضْلًا كَبِيرًا 47
Pagsasalin:
Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya hinggil sa pagkakaroon nila mula kay Allāh ng isang kabutihang-loob na malaki. Al-Aḥzāb 33:47
Tafsīr:
Magpabatid ka sa mga mananampalataya kay Allāh, na gumagawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, ng magpapagalak sa kanila na pagkakaroon nila mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang kabutihang-loob na sukdulan na sumasaklaw sa pag-aadya sa kanila sa Mundo at pagtamo nila sa Kabilang-buhay ng pagpasok sa paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 46 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 48