Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 4)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 4

مَا جَعَلَ اللَّهُ لِرَجُلٍ مِنْ قَلْبَيْنِ فِي جَوْفِهِ ۚ وَمَا جَعَلَ أَزْوَاجَكُمُ اللَّائِي تُظَاهِرُونَ مِنْهُنَّ أُمَّهَاتِكُمْ ۚ وَمَا جَعَلَ أَدْعِيَاءَكُمْ أَبْنَاءَكُمْ ۚ ذَٰلِكُمْ قَوْلُكُمْ بِأَفْوَاهِكُمْ ۖ وَاللَّهُ يَقُولُ الْحَقَّ وَهُوَ يَهْدِي السَّبِيلَ 4 ٤

Hindi gumawa si Allāh para sa isang lalaki ng dalawang puso sa kaloob-looban nito. Hindi Siya gumawa sa mga maybahay ninyo na nagtutulad kayo sa kanila sa likod [ng mga ina ninyo] bilang mga ina ninyo. Hindi Siya gumawa sa mga ampon ninyo bilang mga anak ninyo. Iyon ay ang sabi ninyo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo. Si Allāh ay nagsasabi ng totoo at Siya ay nagpapatnubay sa landas. (4)

Tafsīr
Hindi naglagay si Allāh ng dalawang puso sa dibdib ng iisang lalaki at gayon din hindi Siya naglagay sa mga maybahay sa antas ng mga ina sa pagbabawal. Hindi Siya gumawa, gayon din, sa mga anak sa pag-aampon sa antas ng mga anak sa laman. Kaya tunay na ang dhihār – ang pagbabawal ng lalaki sa maybahay niya sa sarili niya gaya ng ina niya at babaing kapatid niya – at gayon din ang pag-aampon ay kabilang sa mga kaugalian ng Panahon ng Kamangmangan na pinawalang-saysay ng Islām. Ang dhihār at ang pag-aampon na iyon ay isang sinasabing inuulit-ulit ninyo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo gayong walang reyalidad doon sapagkat ang maybahay ay hindi isang ina [ninyo] ni ang ampon ay isang anak para sa sinumang nag-angkin nito. Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsasabi ng totoo upang gumawa ayon dito ang mga lingkod Niya at Siya ay gumagabay tungo sa daan ng katotohanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba