Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 4 sa 73 • Tagalog


مَا جَعَلَ اللَّهُ لِرَجُلٍ مِنْ قَلْبَيْنِ فِي جَوْفِهِ ۚ وَمَا جَعَلَ أَزْوَاجَكُمُ اللَّائِي تُظَاهِرُونَ مِنْهُنَّ أُمَّهَاتِكُمْ ۚ وَمَا جَعَلَ أَدْعِيَاءَكُمْ أَبْنَاءَكُمْ ۚ ذَٰلِكُمْ قَوْلُكُمْ بِأَفْوَاهِكُمْ ۖ وَاللَّهُ يَقُولُ الْحَقَّ وَهُوَ يَهْدِي السَّبِيلَ 4
Pagsasalin:
Hindi gumawa si Allāh para sa isang lalaki ng dalawang puso sa kaloob-looban nito. Hindi Siya gumawa sa mga maybahay ninyo na nagtutulad kayo sa kanila sa likod [ng mga ina ninyo] bilang mga ina ninyo. Hindi Siya gumawa sa mga ampon ninyo bilang mga anak ninyo. Iyon ay ang sabi ninyo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo. Si Allāh ay nagsasabi ng totoo at Siya ay nagpapatnubay sa landas. Al-Aḥzāb 33:4
Tafsīr:
Hindi naglagay si Allāh ng dalawang puso sa dibdib ng iisang lalaki at gayon din hindi Siya naglagay sa mga maybahay sa antas ng mga ina sa pagbabawal. Hindi Siya gumawa, gayon din, sa mga anak sa pag-aampon sa antas ng mga anak sa laman. Kaya tunay na ang dhihār – ang pagbabawal ng lalaki sa maybahay niya sa sarili niya gaya ng ina niya at babaing kapatid niya – at gayon din ang pag-aampon ay kabilang sa mga kaugalian ng Panahon ng Kamangmangan na pinawalang-saysay ng Islām. Ang dhihār at ang pag-aampon na iyon ay isang sinasabing inuulit-ulit ninyo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo gayong walang reyalidad doon sapagkat ang maybahay ay hindi isang ina [ninyo] ni ang ampon ay isang anak para sa sinumang nag-angkin nito. Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsasabi ng totoo upang gumawa ayon dito ang mga lingkod Niya at Siya ay gumagabay tungo sa daan ng katotohanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 3 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 5