Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 5 sa 73 • Tagalog


ادْعُوهُمْ لِآبَائِهِمْ هُوَ أَقْسَطُ عِنْدَ اللَّهِ ۚ فَإِنْ لَمْ تَعْلَمُوا آبَاءَهُمْ فَإِخْوَانُكُمْ فِي الدِّينِ وَمَوَالِيكُمْ ۚ وَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ فِيمَا أَخْطَأْتُمْ بِهِ وَلَٰكِنْ مَا تَعَمَّدَتْ قُلُوبُكُمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 5
Pagsasalin:
Tumawag kayo sa kanila [na mga ampon ninyo] sa [pangalan ng] mga ama nila; ito ay higit na makatarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam sa mga ama nila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga nagpapatangkilik sa inyo. Wala sa inyong isang paninisi sa anumang nagkamali kayo subalit [mayroon kasalanan] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Aḥzāb 33:5
Tafsīr:
Mag-ugnay kayo sa mga inaangkin ninyo na sila ay mga anak ninyo sa mga ama nilang tunay sapagkat ang pag-uugnay sa kanila sa mga ito ay ang katarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam para sa kanila ng mga ama na maiuugnay ninyo sila sa mga ito, sila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga pinalaya ninyo mula sa pagkaalipin. Kaya tumawag kayo sa [bawat] isa sa kanila na "O kapatid" at "O pinsan." Walang kasalanan sa inyo kapag nagkamali ang isa sa inyo saka nag-ugnay siya sa isang inaangking anak sa nag-aangking ama nito, subalit nagkakasala kayo sa pagsasadya ng pagsambit niyon. Laging si Allāh ay Mapagpatawad para sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang hindi Siya nanisi sa kanila dahil sa kamalian.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 4 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 6