Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 52)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 52

لَا يَحِلُّ لَكَ النِّسَاءُ مِنْ بَعْدُ وَلَا أَنْ تَبَدَّلَ بِهِنَّ مِنْ أَزْوَاجٍ وَلَوْ أَعْجَبَكَ حُسْنُهُنَّ إِلَّا مَا مَلَكَتْ يَمِينُكَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ رَقِيبًا 52 ٥٢

Hindi ipinahihintulot para sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] ang mga babae [na karagdagan] matapos na niyan ni na magpalit ka sa kanila ng mga [ibang] maybahay, kahit pa nagpahanga sa iyo ang kagandahan nila, maliban sa minay-ari ng kanang kamay mo. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Mapagmasid. (52)

Tafsīr
Hindi pinapayagan para sa iyo, O Sugo, na mag-asawa ka pa ng mga babaing iba pa sa mga asawa mo na mga nasa pangangalaga mo. Hindi ipinahihintulot para sa iyo na diborsiyuhin mo sila o diborsiyuhin mo ang ilan sa kanila upang kumuha ka ng iba pa sa kanila bilang mga maybahay, kahit pa nagpahanga sa iyo ang kagandahan ng sinumang ninais mo na mapangasawa kabilang sa mga babaing ipa pa sa kanila. Subalit pinapayagan para sa iyo na makisama sa minay-ari ng kanang kamay mo na mga babaing alipin nang walang paglilimita sa isang itinakdang bilang. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Mapag-ingat. Ang kahatulang ito ay nagpapatunay sa kalamangan ng mga ina ng mga mananampalataya sapagkat ipinagbawal ang pagdiborsiyo sa kanila at ang pag-aasawa sa iba pa sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba