Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 52 sa 73 • Tagalog


لَا يَحِلُّ لَكَ النِّسَاءُ مِنْ بَعْدُ وَلَا أَنْ تَبَدَّلَ بِهِنَّ مِنْ أَزْوَاجٍ وَلَوْ أَعْجَبَكَ حُسْنُهُنَّ إِلَّا مَا مَلَكَتْ يَمِينُكَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ رَقِيبًا 52
Pagsasalin:
Hindi ipinahihintulot para sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] ang mga babae [na karagdagan] matapos na niyan ni na magpalit ka sa kanila ng mga [ibang] maybahay, kahit pa nagpahanga sa iyo ang kagandahan nila, maliban sa minay-ari ng kanang kamay mo. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Mapagmasid. Al-Aḥzāb 33:52
Tafsīr:
Hindi pinapayagan para sa iyo, O Sugo, na mag-asawa ka pa ng mga babaing iba pa sa mga asawa mo na mga nasa pangangalaga mo. Hindi ipinahihintulot para sa iyo na diborsiyuhin mo sila o diborsiyuhin mo ang ilan sa kanila upang kumuha ka ng iba pa sa kanila bilang mga maybahay, kahit pa nagpahanga sa iyo ang kagandahan ng sinumang ninais mo na mapangasawa kabilang sa mga babaing ipa pa sa kanila. Subalit pinapayagan para sa iyo na makisama sa minay-ari ng kanang kamay mo na mga babaing alipin nang walang paglilimita sa isang itinakdang bilang. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Mapag-ingat. Ang kahatulang ito ay nagpapatunay sa kalamangan ng mga ina ng mga mananampalataya sapagkat ipinagbawal ang pagdiborsiyo sa kanila at ang pag-aasawa sa iba pa sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 51 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 53