Makapagpapaliban ka ng [toka ng] sinumang niloloob mo kabilang sa kanila at makapagpapatuloy ka sa iyo ng sinumang niloloob mo; at ang sinumang hinangad mo mula sa [pansamantalang] hiniwalayan mo ay walang maisisisi sa iyo [na magpatuloy sa kanya]. Iyon ay higit na angkop na guminhawa ang mga mata nila. Hindi sila malungkot at malugod sila sa ibinigay mo sa kanila sa kabuuan nila. Si Allāh ay nakaaalam sa nasa mga puso ninyo. Laging si Allāh ay Maalam, Matimpiin. Al-Aḥzāb 33:51 ⧉
Tafsīr:
Makapagpapahuli ka, O Sugo, ng sinumang niloloob mo ang pagpapahuli sa parte nito [sa gabi] para hindi ka magpamagdamag kasama nito at maisasama mo sa iyo ang sinumang niloloob mo mula sa kanila para magpamagdamag ka kasama nito. Ang sinumang hiniling mo na isama mula sa mga ipinagpahuli mo ay walang kasalanan sa iyo roon. Ang pagpili at ang pagpapaluwag na iyon para sa iyo ay higit na malapit na magalak dahil doon ang mga mata ng mga maybahay mo at na malugod sila sa ibinigay mo sa kanila sa kalahatan nila dahil sa pagkakaalam nila na ikaw ay hindi nag-iwan ng isang tungkulin at hindi nagmaramot ng isang karapatan. Si Allāh ay nakaaalam sa nasa mga puso ninyo, O mga lalaki, na pagkiling sa isa sa mga maybahay higit sa iba pa. Laging si Allāh ay Maalam sa mga gawain ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, Matimpiin: hindi nagmamadali sa kanila ng kaparusahan nang sa gayon sila ay magbabalik-loob sa Kanya.