Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 55)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 55

لَا جُنَاحَ عَلَيْهِنَّ فِي آبَائِهِنَّ وَلَا أَبْنَائِهِنَّ وَلَا إِخْوَانِهِنَّ وَلَا أَبْنَاءِ إِخْوَانِهِنَّ وَلَا أَبْنَاءِ أَخَوَاتِهِنَّ وَلَا نِسَائِهِنَّ وَلَا مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُنَّ ۗ وَاتَّقِينَ اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدًا 55 ٥٥

Walang maisisisi sa kanila kaugnay sa [hindi pagbebelo sa] mga ama nila, ni mga lalaking anak nila, ni mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, ni mga [kapwa] babae nila, ni mga babaing minay-ari ng mga kanang kamay nila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Saksi. (55)

Tafsīr
Walang kasalanan sa kanila na makakita sa kanila at kumausap sa kanila nang walang belo ang mga ama nila, ang mga lalaking anak nila, ang mga lalaking kapatid nila, ang mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, at ang mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila sa kaangkanan o pagpapasuso. Walang kasalanan sa kanila na kumausap sa kanila nang walang belo ang mga babaing mananampalataya at ang mga minay-ari ng mga kanang kamay nila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga babaing mananampalataya, kaugnay sa ipinag-utos Niya at sinaway Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat Siya ay nakasasaksi sa anumang lumilitaw mula sa inyo at namumutawi buhat sa inyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba