Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 55 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 55 sa 73 • Tagalog


لَا جُنَاحَ عَلَيْهِنَّ فِي آبَائِهِنَّ وَلَا أَبْنَائِهِنَّ وَلَا إِخْوَانِهِنَّ وَلَا أَبْنَاءِ إِخْوَانِهِنَّ وَلَا أَبْنَاءِ أَخَوَاتِهِنَّ وَلَا نِسَائِهِنَّ وَلَا مَا مَلَكَتْ أَيْمَانُهُنَّ ۗ وَاتَّقِينَ اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدًا 55
Pagsasalin:
Walang maisisisi sa kanila kaugnay sa [hindi pagbebelo sa] mga ama nila, ni mga lalaking anak nila, ni mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, ni mga [kapwa] babae nila, ni mga babaing minay-ari ng mga kanang kamay nila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Saksi. Al-Aḥzāb 33:55
Tafsīr:
Walang kasalanan sa kanila na makakita sa kanila at kumausap sa kanila nang walang belo ang mga ama nila, ang mga lalaking anak nila, ang mga lalaking kapatid nila, ang mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, at ang mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila sa kaangkanan o pagpapasuso. Walang kasalanan sa kanila na kumausap sa kanila nang walang belo ang mga babaing mananampalataya at ang mga minay-ari ng mga kanang kamay nila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga babaing mananampalataya, kaugnay sa ipinag-utos Niya at sinaway Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat Siya ay nakasasaksi sa anumang lumilitaw mula sa inyo at namumutawi buhat sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 54 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 56