Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 56 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 56 sa 73 • Tagalog


إِنَّ اللَّهَ وَمَلَائِكَتَهُ يُصَلُّونَ عَلَى النَّبِيِّ ۚ يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا صَلُّوا عَلَيْهِ وَسَلِّمُوا تَسْلِيمًا 56
Pagsasalin:
Tunay na si Allāh ay nagbabasbas sa Propeta at ang mga anghel Niya [ay humihiling sa Kanya ng gayon]. O mga sumampalataya, dumalangin kayo [kay Allāh] ng pagbasbas sa kanya at bumati kayo sa kanya ng pagbati ng kapayapaan. Al-Aḥzāb 33:56
Tafsīr:
Tunay na si Allāh ay nagbubunyi sa piling ng mga anghel Niya sa Sugong si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – at ang mga anghel Niya ay dumadalangin para sa Sugo. O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa mga lingkod Niya, dumalangin kayo ng pagbasbas sa Sugo at bumati kayo sa kanya ng isang pagbati ng kapayapaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 55 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 57