Tunay na ang mga namemerhuwisyo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay isinumpa sila ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang manghahamak. Al-Aḥzāb 33:57 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga nananakit kay Allāh at sa Sugo Niya sa salita o gawa ay inilayo sila ni Allāh at itinaboy Niya sila mula sa bakuran ng awa Niya sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Naghanda Siya para sa kanila sa Kabilang-buhay ng isang pagdurusang mang-aaba bilang ganti para sa kanila sa ginawa nila na pananakit sa Sugo Niya.