Ang mga namemerhuwisyo ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya dahil sa iba pa sa nakamit ng mga ito ay pumasan nga ng isang paninirang-puri at isang kasalanang malinaw. Al-Aḥzāb 33:58 ⧉
Tafsīr:
Ang mga nananakit ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa salita o gawa hindi dahil sa isang pagkakasalang nakamit ng mga ito na kabilang sa krimeng nag-oobliga ng pananakit na iyon ay pumasan nga ng isang kasinungalingan at isang kasalanang lantad.