Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 59 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 59 sa 73 • Tagalog


يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِأَزْوَاجِكَ وَبَنَاتِكَ وَنِسَاءِ الْمُؤْمِنِينَ يُدْنِينَ عَلَيْهِنَّ مِنْ جَلَابِيبِهِنَّ ۚ ذَٰلِكَ أَدْنَىٰ أَنْ يُعْرَفْنَ فَلَا يُؤْذَيْنَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 59
Pagsasalin:
O Propeta [Muḥammad], sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaing anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglugay sila sa ibabaw nila ng mula sa mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila [bilang babaing mananampalatayang mahinhin] para hindi sila maperhuwisyo. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Aḥzāb 33:59
Tafsīr:
O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, sabihin mo sa mga babaing anak mo, at sabihin mo sa mga kababaihan ng mga mananampalataya na magbaba sila sa ibabaw nila ng bahagi ng mga balabal nila na isinusuot nila upang walang malantad mula sa kanila na `awrah (kahubaran) sa harap ng mga hindi kaanu-ano na mga lalaki. Iyon ay higit na malapit na makilala na sila ay mga malayang babae para walang gumambala sa kanila na isa man sa pamamagitan ng pananakit gaya ng gumagambala sa mga babaing alipin. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 58 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 60