Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 69)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 69

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَكُونُوا كَالَّذِينَ آذَوْا مُوسَىٰ فَبَرَّأَهُ اللَّهُ مِمَّا قَالُوا ۚ وَكَانَ عِنْدَ اللَّهِ وَجِيهًا 69 ٦٩

O mga sumampalataya, huwag kayong maging gaya ng mga nananakit kay Moises, ngunit nagpawalang-kapintasan sa kanya si Allāh laban sa sinabi nila. Siya noon sa ganang kay Allāh ay pinarangalan. (69)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong manakit sa Sugo ninyo para maging tulad ng mga nanakit kay Moises gaya ng pamimintas nila sa kanya sa katawan niya ngunit nagpawalang-kapintasan sa kanya si Allāh laban sa sinabi nila, kaya luminaw para sa kanila ang kawalang-kaugnayan niya sa sinabi nila hinggil sa kanya. Si Moises noon sa ganang kay Allāh ay pinarangalan: hindi itinutulak ang hiling niya at hindi binibigo ang pagsisikap niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba