Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 7)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong tumanggap Kami mula sa mga propeta ng tipan nila, mula sa iyo [O Muḥammad], at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Jesus na anak ni Maria. Tumanggap Kami mula sa kanila ng tipang mariin, (7)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, noong tumanggap si Allāh mula sa mga propeta ng isang kasunduang binigyang-diin na sumamba sila kay Allāh lamang at hindi sila magtambal sa Kanya ng anuman, at na magpaabot sila ng pinababa Niya sa kanila mula sa kasi. Tumanggap Siya, lalo na, mula sa iyo, at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Jesus na anak ni Maria. Tumanggap si Allāh mula sa kanila ng isang kasunduang binigyang-diin sa pagtupad sa ipinagkatiwala sa kanila na pagpapaabot sa mga pasugo Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: