Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Gumagawa sila para sa kanya ng anumang niloob niya na mga sambahan, mga rebulto, mga batya gaya ng mga labangan, at mga kalderong nakahimpil. Gumawa kayo, mag-anak ni David, bilang pasasalamat. Kaunti mula sa mga lingkod Ko [na tao at jinn] ang mapagpasalamat. (13)
Tafsīr
Gumagawa ang mga jinn na ito para kay Solomon ng anumang ninais niya na mga patirapaan para sa pagdarasal, mga palasyo, anumang niloloob niya na mga imahen, at anumang niloloob niya na mga labador tulad ng mga malaking lagayan ng tubig, at mga kalderong lutuan na nakatigil kaya hindi naigagalaw dahil sa laki ng mga ito. Nagsabi sa kanila: "Gumawa kayo, O mag-anak ni David, bilang pasasalamat kay Allāh dahil sa ibiniyaya Niya sa inyo." Kaunti mula sa mga lingkod Ko ang mapagpasalamat sa Akin dahil sa ibiniyaya Ko sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: