Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 16)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 16

فَأَعْرَضُوا فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمْ سَيْلَ الْعَرِمِ وَبَدَّلْنَاهُمْ بِجَنَّتَيْهِمْ جَنَّتَيْنِ ذَوَاتَيْ أُكُلٍ خَمْطٍ وَأَثْلٍ وَشَيْءٍ مِنْ سِدْرٍ قَلِيلٍ 16 ١٦

Ngunit umayaw sila [kay Allāh] kaya nagsugo Kami laban sa kanila ng baha ng saplad at nagpalit Kami sa dalawang hardin nila ng dalawang hardin na mga may bungang mapait, mga tamarisko, at mangilan-ngilang mansanitas na kaunti. (16)

Tafsīr
Ngunit umayaw sila sa pagpapasalamat kay Allāh at pagsampalataya sa mga sugo Niya kaya nagparusa Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga biyaya sa kanila na naging isang salot. Kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang bahang rumaragasang sumira sa balakid nila at lumunod sa mga taniman nila. Nagpalit Kami sa dalawang pataniman nila ng dalawang patanimang namumunga ng bungang mapait. Mayroon sa dalawang ito na mga puno ng tamarisko na hindi namumunga, at mangilan-ngilang kaunting mansanitas.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba