Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 36)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 36

قُلْ إِنَّ رَبِّي يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ 36 ٣٦

Sabihin mo: “Tunay na ang Panginoon ko ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit [para sa sinumang niloloob Niya] subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.” (36)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nalinlang na ito dahil sa ibinigay sa kanila na mga biyaya: "Ang Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya bilang pagsusulit para sa kanya kung magpapasalamat ba siya o tatangging magpasalamat, at nagpapasikip dito sa sinumang niloloob Niya bilang pagsubok para sa kanya kung magtitiis ba siya o maiinis? Subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam na si Allāh ay Marunong: hindi Siya nagtatakda ng isang bagay malibang dahil sa isang kasanhiang malalim. Nakaalam dito ang sinumang nakaalam dito at nagpakamangmang dito ang sinumang nagpakamangmang dito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba