Surah Saba’ (Saba — سبأ) (Talata 46)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




34 Saba’(سبأ), Talata 46

قُلْ إِنَّمَا أَعِظُكُمْ بِوَاحِدَةٍ ۖ أَنْ تَقُومُوا لِلَّهِ مَثْنَىٰ وَفُرَادَىٰ ثُمَّ تَتَفَكَّرُوا ۚ مَا بِصَاحِبِكُمْ مِنْ جِنَّةٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا نَذِيرٌ لَكُمْ بَيْنَ يَدَيْ عَذَابٍ شَدِيدٍ 46 ٤٦

Sabihin mo: “Nangangaral lamang ako sa inyo ng isa: na tumayo kayo para kay Allāh nang dalawahan at nang bukud-bukod, pagkatapos mag-isip-isip kayo [sa mensahe].” Walang taglay ang kasamahan ninyo [na Si Propeta Muḥammad] na anumang kabaliwan [dahil sa isang masamang jinn]. Walang iba siya kundi isang mapagbabala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi. (46)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Nagpapahiwatig lamang ako sa inyo at nagpapayo lamang ako sa inyo ng iisang katangian: na tumayo kayo, habang mga naaalisan ng pithaya, para kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – nang dala-dalawa at mga namumukod. Pagkatapos ay mag-isip-isip kayo sa pamumuhay ng kasamahan ninyo at sa anumang nalaman ninyo sa pag-iisip niya, katapatan niya, at pagkamapagkakatiwalaan niya," upang mapaglinawan ninyo na siya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay walang taglay na kabaliwan. Walang iba siya kundi isang tagapagbigay-babala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi, kung hindi kayo nagbalik-loob kay Allāh mula sa pagtatambal sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba