Sabihin mo: “Nangangaral lamang ako sa inyo ng isa: na tumayo kayo para kay Allāh nang dalawahan at nang bukud-bukod, pagkatapos mag-isip-isip kayo [sa mensahe].” Walang taglay ang kasamahan ninyo [na Si Propeta Muḥammad] na anumang kabaliwan [dahil sa isang masamang jinn]. Walang iba siya kundi isang mapagbabala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi. Saba’ 34:46 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Nagpapahiwatig lamang ako sa inyo at nagpapayo lamang ako sa inyo ng iisang katangian: na tumayo kayo, habang mga naaalisan ng pithaya, para kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – nang dala-dalawa at mga namumukod. Pagkatapos ay mag-isip-isip kayo sa pamumuhay ng kasamahan ninyo at sa anumang nalaman ninyo sa pag-iisip niya, katapatan niya, at pagkamapagkakatiwalaan niya," upang mapaglinawan ninyo na siya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay walang taglay na kabaliwan. Walang iba siya kundi isang tagapagbigay-babala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi, kung hindi kayo nagbalik-loob kay Allāh mula sa pagtatambal sa Kanya.